Isa sa mga pangunahing kursong kinukuha ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas ang

Kasaysayan 1 o ang Kasaysayan ng Pilipinas. Mahalagang maiangat bilang isang mapanuring pagaaral

ng kasaysayan ang kursong KAS 1 upang mapaunlad ang kamalayang pangkasaysayan ng

mga mag-aaral. Mahalaga ito sa kasalukuyang panahon dahil kailangan ang pang-unawa sa

interpretasyon at sa ugnayan ng mga pangyayari at panahon. Matututo ang mag-aaral na malaman

ang konteksto ng isang pangyayari, ang bunga nito sa susunod na mga pangyayari, ang halaga ng

mga primaryang sanggunian (primary sources), at ang kritikal na pagsusuri sa katotohanan at

katumpakan ng mga sanggunian. Mauunawaan ang kasaysayan hindi lamang bilang mga

pangyayaring nakalipas kundi isa ring patuloy na pagsisikap upang unawain ang kasalukuyan at

maging batayan para sa sariling pakikibahagi sa patuloy na pagbubuo ng bayan.